GMA Logo Alden Richards
Source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Alden Richards, hinirang na Notable Storyteller sa National Bike Day 2026

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 24, 2026 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DFA: 14-day visa-free entry alang sa mga chinese hangtod Jan. 15, 2028 I One Mindanao
Binatilyo na kukuha ng tubig sa bukal sa Cebu, nalunod nang madulas
Ate na ikakasal na sana, nahuli ng kapatid na lumalandi! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Pinarangalan si Alden Richards bilang Notable Storyteller sa idinaos na National Bike Day 2026.

Kinilala ang Code Grey lead star at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards bilang isa sa mga pinarangalang Notable Storyteller sa katatapos lamang na pagdiriwang ng 7th National Bicycle Day 2026 na pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) noong Linggo, Nobyembre 22.

Layunin ng taunang National Bike Day Awards and Recognition ng DOTr na parangalan ang mga indibidwal, pribadong sektor, at lokal na pamahalaan na may malaking ambag sa pagtataguyod ng cycling bilang isang sustainable at makakalikasang paraan ng transportasyon.

Iginawad ang pagkilalang ito bilang pagpupugay sa patuloy na paggamit ni Alden ng kanyang boses at impluwensya upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na magbisikleta, isulong ang aktibong pamumuhay, at ipanawagan ang mas ligtas na kalsada para sa lahat ng siklista.

Sa isang post sa Instagram account ng Sparkle GMA Artist Center, ibinahagi nila ang larawan ng Kapuso actor at ang kanyang tropeo, kalakip ang pagbati sa panibagong karangalang kanyang natamo.

“A well-deserved recognition! Asia's Multimedia Star Alden Richards is named a Notable Storyteller at National Bike Day 2026, organized by the Department of Transportation, for his exemplary contributions and initiatives in promoting active transport. Congratulations,” nakasulat sa caption ng naturang post.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Kamakailan lamang, sa isang panayam nang makipagtulungan ang kanyang kumpanyang Myriad sa Department of Tourism para sa cycling event na FunRide PH, ibinahagi ni Alden kung paano naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay at self-care ang pagbibisikleta.

“Cycling has been very pivotal in my lifetime right now. It has healed me in so many levels,” pahayag ni Alden.

Dagdag pa niya, nais niyang maibahagi sa iba ang magandang epekto nito: “Cycling has been a life-changing experience. So, with this, gusto ko rin ma-experience ng mga taong sasali dito 'yung effect. And 'yung pagmamahal ko sa cycling, mararamdaman nila dito.”

Samantala, abangan din si Alden sa kanyang nalalapit na seryeng Code Grey na mapapanood na soon sa GMA Prime.

Related Gallery: Alden Richards embraces his cycling era