GMA Logo fifth solomon
What's on TV

KALURKS!: Fifth Solomon, nanawagang kalmahan ang pamba-bash sa 'PBB' housemates

By Aimee Anoc
Published November 24, 2026 1:54 PM PHT
Updated November 24, 2026 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DFA: 14-day visa-free entry alang sa mga chinese hangtod Jan. 15, 2028 I One Mindanao
Binatilyo na kukuha ng tubig sa bukal sa Cebu, nalunod nang madulas
Ate na ikakasal na sana, nahuli ng kapatid na lumalandi! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

fifth solomon


Fifth Solomon: "Medyo kalmahan natin 'yung pamba-bash sa mga housemates kasi tayo rin naman housemates tayo sa sarili nating bahay."

Nanawagan ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Fifth Solomon na "kalmahan ang pamba-bash" sa mga housemate.

Sa pagbisita sa KALURKS! bilang guest Kalurker noong Linggo, November 22, hiningi ng host na si Baus Rufo ang opinyon ni Fifth sa pagpapatigil ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 sa livestream nito.

Kasabay ng second eviction night noong Sabado, November 21, inanunsyo ng PBB hosts na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia ang desisyon ng GMA Network at ABS-CBN na itigil ang 24/7 livestream ng PBB.

Ito ay para protektahan ang mga housemates at kanilang mga pamilya mula sa "ilang mga netizens na nagiging iresponsable, na inaabuso at sinasamantala ang livestream para gumawa ng mali, malisyoso, at mapanirang kuwento tungkol sa mga housemates."

READ: 'Pinoy Big Brother' announces end of livestreams for ongoing season 'PBB Collab 3.0'

Kuwento ni Fifth, nangyari na rin ang pagpapatigil ng livestream ng PBB noong 2015 sa batch ng dating housemate na si Bailey May dahil sa bigat ng mga kaganapan online.

Dagdag pa ng host na si DJ Jhai Ho tungkol sa pagpapatigil ng livestream, "Kapag humahantong na doon sa punto na tumutodo na yung bashing at nagiging full access na talaga yung mga nanonood, yung mga sumusuporta at nagmamahal sa PBB, humahantong din talaga na kailangan ding gawan ng aksyon, putulin ang ganung mga ganap."

Pagpapatuloy ni Ashley Rivera, "Kasi nga they don't know when to stop. Sige lang nang sige, sasabihin freedom of speech, pero hindi sila aware na 'yung sinasabi nila e nakakasakit na talaga ng mga tao."

At dahil sa matinding bashing online, naglabas ang Sparkle GMA Artist Center ng statement kung saan nagbanta itong magdedemanda sa ilang fan groups at individuals na nagsasagawa ng diumano'y "suspected coordinated online harassment" laban kay Mikee Quintos.

READ: Sparkle releases official statement regarding malicious and defamatory attacks against Mikee Quintos

Paglilinaw nang nakausap ng KALURKS! mula sa Sparkle, ang statement na ito ay hindi response sa backlash na natanggap nina Mikee at Cianne Dominguez, dahil nauna nang lumabas ang statement bago pa pumutok ang PWD issue.

Kaugnay nito, nagbigay ng opinyon si Fifth base sa kanyang naging experience sa loob ng Bahay Ni Kuya bilang dating PBB housemate, "'Pag tumatagal ka roon, nakakalimutan mo na, e, na may camera. So, nakakalimutan mo na rin na i-consider kung ano 'yung magiging tingin sa 'yo ng tao... Kasi mag-iisang buwan na sila roon, 'di ba? So parang wala na sa kanila 'yung camera. Hindi na nila napapansin 'yon. Medyo kalmahan natin 'yung pamba-bash sa mga housemates kasi tayo rin naman housemates tayo sa sarili nating bahay."

Related gallery: PBB Collab 3.0 housemates' moments before entering Bahay Ni Kuya

Hiningi rin ni DJ Jhai Ho ang say ni Fifth tungkol sa pagmamahal ng marami sa reality shows pero, aniya, kapag binigyan ng talagang reality na nakikita sa television ay palaging may nagko-call out.

"Kasi fan din ako ng mga reality shows, even Survivor. Medyo naaano lang ako with fans na parang kailangan natin maintindihan na sa isang reality show, sa isang cast, hindi lahat dapat maging likable. Hindi lahat kailangan bida.

"May mga taong maiinis ka. Pero imbes na magpadala ka, doon ka na lang sa susuportahan mo magbigay ng energy. Kaysa ini-stress mo pa 'yung sarili mo na i-bash mo 'yung mga taong hindi mo gusto," sabi ni Fifth.

Ibinahagi rin ni Baus Rufo ang kanyang opinyon sa pagpapatigil ng livestream sa PBB Collab 3.0.

"I think itong move to stop the livestream is para humupa ang bashing. But of course, hindi mo rin naman masisisi 'yung viewers natin kasi invested sila, nagbabayad sila to keep their favorite housemate inside the show...

"So I hope this is also a way for the show to evolve with the time. Kasi nga, dahil naa-access nila 24/7 yung nangyayari, ang daming pwedeng gawin ng mga tao sa mga fan edits na 'yon online."

Binalikan din ni Fifth ang pag-come out sa PBB dahil sa mga natanggap na bashing tungkol sa pagiging malambot.

"For me, talagang 'yung bashing talaga, malalala talaga s'ya yung nabibigay niya e. Actually, when I got out, I was parang depressed. So yun talaga, medyo kalmahan natin yung pamba-bash sa mga housemates kasi tayo rin naman housemates tayo sa sarili nating bahay.

"Mayroon din tayong... kinaiinisan din tayo ng nanay natin, kinaiinisan din tayo ng mga kuya natin, tito natin, kasi 'di tayo naghuhugas ng pinggan, ang tagal natin sa CR. Ganun din sila, mga tao lang din sila."

Panoorin ang pagbisita ni Fifth Solomon sa KALURKS! dito:

Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork27.com/kalurks.