
Thankful ang seasoned actor na si Keempee de Leon sa lahat ng mga sumusuporta sa GMA Afternoon Prime series na Delivery Boi.
Sa pagbisita niya sa KALURKS! noong Linggo (November 8), sinagot ni Keempee ang tanong ng host na si DJ Jhai Ho kung ano ang kakaiba sa Delivery Boi kumpara sa mga naunang proyekto.
"Well, thankful ako sa GMA kasi binalik nila 'yung may pagka-comedy naman, dramedy naman ngayon," sabi ng aktor.
"So, medyo experimental after so many years na hindi ginawa 'to. Noong una medyo nangangapa kami pero after a while naging maganda naman 'yung takbo.
"Thankful kami sa lahat ng mga sumusuporta. Maraming, maraming salamat sa inyo," dagdag niya.
Ayon kay Keempee, marami pang dapat na abangan sa Delivery Boi.
"Mga Kapuso, abangan n'yo lang ang Delivery Boi, Monday to Friday, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Maraming-marami pang mangyayari kasi ayoko i-spoil dahil kumbaga, mas ngayon lumalabas 'yung mga kababalaghan," sabi niya.
Sa Delivery Boi, napapanood si Keempee bilang Paeng, stepfather ni Boi, na pinagbibidahan naman ni Will Ashley.
READ: Meet the cast of the newest GMA Afternoon Prime series 'Delivery Boi'
Panoorin ang pagbisita ni Keempee de Leon sa ikasiyam na episode ng KALURKS! dito:
Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork27.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.