Ipinasilip na ng “Pinoy Big Brother” nitong Martes ang bagong bahay ni “Kuya” na gagamitin sa ikatlong collab edition ng reality show.

Makikita na may bago ring disenyo ang harapan ng bahay na kulay dilaw, asul, at pula, kasama ang natatanging logo ng programa.

Dumalo sa ginanap na pagpapasinaya ng bagong bahay sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, at Father Tito Caluag, na nanguna sa pagbasbas sa bagong bahay.

Mapapanood na ang “PBB Collab 3.0” simula Oktubre 24, sa ganap na 6:00 pm sa GMA Network. Bibigyan nito ng pagkakataon ang mga ordinaryong Pilipino na makapasok sa iconic na Bahay ni Kuya.

Sina Brent Manalo at Mika Salamanca ang itinanghal na Big Winner duo sa kauna-unahang “PBB: Celebrity Collab Edition.”

Noong Pebrero, itinanghal naman sina Caprice Cayetano at Lella Ford bilang Kapuso at Kapamilya Big Winners ng “PBB: Celebrity Collab Edition 2.0. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA News