Hindi napigilang maging emosyonal ni Angel Castro nang ilahad ang kaniyang hinanakit tungkol sa hidwaan nila ng kaniyang inang si Raven Villanueva. Sinabi rin ng aktres kung paano nakaapekto sa kaniyang paglaki ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.
Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inilarawan ni Angel na bilang isang bata noon, para siyang “manananggal” na hati ang buhay habang namamalagi sa kaniyang lola.
Tuwing weekend naman siya nagpupunta sa kaniyang ina si Raven, na dati ring aktres.
“Magulo po kasi, may portion ng childhood [ko] ito kasama ko, tapos iba na naman,” sabi ni Angel, na dating Claire ang gamit na pangalan sa showbiz.
“I could understand at a young age. Because there was this time I was with my mom probably. My dad and my lola, I could hear them in the living room and then naririnig ko ‘Wala nga siya rito! Wala!’ So basically parang nagkakadamutan sila sa akin at that time so I could sort of understand what was going on,” pagbahagi niya.
Dahil dito, natuto siyang magrebelde sa murang edad.
“Bumukod po ako nang maaga. That's my form of rebellion. I started working pretty early. [At age] 17, receptionist, promoter, Mostly receptionist. I just wanted to be away. For me, it was pretty chaotic growing up with that sort of dynamic,” patuloy niya.
Dito, inamin ng aktres na nagkaroon siya ng sama ng loob sa mga magulang.
“Meron po. Noong una po ‘yung dad. But then I when I grow up I understand why certain things… he was disciplining me, I took it the wrong way before when I got older. Pero dati ang sama ng loob ko sa kaniya,” pag-amin niya.
“‘Yung mom ko po I can say, I don't know. I can't say a lot of things because I'm trying to protect [‘yung relationship] naming,” dagdag niya.
Relasyon sa ina
Ngunit nang tanungin kung kumusta sila ng kaniyang ina, tugon ni Angel, “Ang tagal na pong wala.”
Sinubukan ni Angel na makipag-ayos sa inang si Raven. “I tried. Wala po. To no avail,” sabi niya.
Kung bakit sa tingin niya ay hindi nagtagumpay ang pakikipagkomunikasyon niya sa ina, sabi ni Angel, “I think she was just busy with the new kids.”
Hindi na rin naitago ni Angel ang kaniyang nararamdaman sa ina.
“Opo (Tampo). Sama ng loob. I can say galit.”
“She probably knows that I'm angry at her. But when people ask me, I understand,” sabi niya, na nagsimulang maging emosyonal.
Ipinagdamdam ni Angel ang pagmamahal na hindi naramdaman sa ina.
“Lagi na lang I tell people I understand. But I really don't. I had to grow up by myself. And I can see ang ayos nila roon. Bakit ako walang ganu’n?”
Inilahad ni Angel ang kaniyang hinanakit sa mga kamag-anak niya sa mga Villanueva.
Nang tanungin kung umaasa pa siyang magkakaayos sila ng kaniyang ina, “Mahirap po magkamali ng sasabihin, but to be honest, ‘wag na lang po, kasi ang sakit ng ginawa niya.”
“Basta civil, okay na po. Kahit hindi na maging close.”
Nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang ginawa ni Raven kay Angel na labis na ikinasakit ng kaniyang damdamin, tugon niya, “Parang tinapon lang po ako.” – FRJ GMA News
